Mas maikling biyahe mula Iloilo City patungong Iloilo Airport, inaasahan

Mas maikling biyahe mula Iloilo City patungong Iloilo Airport, inaasahan

MAGIGING madali na ang biyahe ng mga nasa Iloilo City patungong Iloilo Aiport.

Ito ang sinabi ni Regional Director Tiburcio Canlas of DPWH-6 kaugnay sa nakatakdang pagbubukas ng P680-million flyover sa Barangay Ungka II, Pavia, Iloilo.

Ayon kay Canlas sa kasalukuyan ay nasa 24 km ang layo na umaabot ng 40-45 minutes ang biyahe mula siyudad patungong airport sa Cabatuan.

Subalit dahil aniya sa Bagong Tayong Flyover, magiging 20 minutes na lamang ang magiging travel time patungong airport.

Binabagtas ng tinatayong Ungka II Flyover ang madalas traffic na intersection ng Sen. Benigno S. Aquino Jr. Avenue (Diversion Road) at President Corazon C. Aquino Avenue.