Mas malakas na “countermeasures,” ibinabala ng China vs PH kaugnay ng patuloy na probokasyon sa South China Sea

Mas malakas na “countermeasures,” ibinabala ng China vs PH kaugnay ng patuloy na probokasyon sa South China Sea

NAGBABALA ang China na gagawa ng mas malakas na “countermeasures” kung patuloy na magsasagawa ang Pilipinas ng mga probokasyon sa South China Sea.

Inihayag ito ni Wu Qian, tagapagsalita ng Ministry of National Defense ng China sabay kinastigo ang Pilipinas sa paggawa umano ng mga gulo sa maraming lugar sa pinag-aagawang teritoryo sa ilalim ng suporta at panghihikayat ng Estados Unidos.

Dagdag ng Chinese official, ang mga paulit-ulit na mga probokasyon ng Pilipinas ay naging daan na makita ng international community kung sino ang sumisira sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea. Malinaw din nitong ipinapakita kung sino ang naglilikha at nagpapakalat ng mga kasinungalingan.

“From Ren’ai Jiao to Xianbin Jiao and from Houteng Jiao to Huangyan Dao, such repeated provocations have allowed the international community to see clearly who is undermining peace and stability in the South China Sea and who is fabricating and spreading lies,” Wu Qian Spokesperson, China’s Ministry of National Defense said.

Ginawa ni Wu ang naturang pahayag bilang tugon sa isang katanungan tungkol sa akusasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang Tsina ay nagsagawa ng mga agresibong aksyon laban sa mga barko ng Pilipinas na patungo sa Houteng Jiao sa Nansha Qundao o Spratly Islands.

Binira rin ng tagapagsalita ng Ministry of National Defense ng China ang Pilipinas sa pagsama lagi ng aniya’y full deck ng mga mamamahayag sa Philippine vessels – saan man pumunta, mag-transit man o mag-re-supply.

Kaugnay nito’y iginiit ng Chinese official na ang tunay na isyu ay hindi kailanman tungkol sa sino ang may higit na bilang ng mga reporter, kundi sino ang may higit na ‘legitimacy.’

Muli namang binigyang-diin ng Chinese official ang matatag na posisyon ng Tsina, anito, kung patuloy ang mga probokasyon ay gagawa ng mas malakas na countermeasures ang Beijing. Kung ang panig ng Pilipinas ay patuloy na susundin ang maling landas, hindi raw magpapatalo ang Tsina.

“More provocations lead to stronger countermeasures. Should the Philippine side stubbornly follow the wrong path, China will never back down,” he said.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble