SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magi-isyu ito ng Memorandum Circular (MC) upang paalalahanan ang mga Local Government Units (LGUs) tungkol sa pagpapaluwag ng travel protocols sa kalagitnaan ng banta ng COVID-19.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na may ilang LGUs ang hindi sumusunod sa resolusyon ng Inter-agency Task Force na tinanggal na ang travel authority at local health certificate requirements para sa mga local travels.
Ayon sa mga ilan, may ilang LGUs pa rin ang nanghihingi ng travel authority sa mga biyahero sa kabila ng desisyon ng IATF na tanggalin na ito.
Siniguro naman ni Malaya na ang MC ay kinonsulta nila sa League of Cities, League of Provinces, at League of Municipalities, at mga organisasyon na binubuo ng Local Government Officials.
Iginiit din ng ahensya na magi-isyu ito ng Show-Cause-Orders laban sa mga LGUs na hindi susunod sa oras na mailabas na ang Memorandum Circular (MC).