Mas marami pa siyang matutulungan— mga taga-Sorsogon, buo ang tiwala kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mas marami pa siyang matutulungan— mga taga-Sorsogon, buo ang tiwala kay Pastor Apollo C. Quiboloy

HUWAG basta husgahan! Ito ang panawagan ng mga tagasuporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy na nagtipon sa Sorsogon upang ipahayag ang kanilang pananalig sa kaniyang kakayahang mamuno.

Sa kabila ng mga paninirang ibinabato sa kaniya, nanindigan ang ilan sa kanila na dapat siyang bigyan ng patas na pagkakataon upang patunayan ang kaniyang malasakit sa bayan.

“Papayag ka ba na wala namang kasalanan ang anak mo o sinuman, pero hinuhusgahan agad ng iba nang hindi naman nila alam ang buong katotohanan?” ayon kay Victor Cuprade, Residente, Bulan, Sorsogon.

“Mali po ’yun!” aniya.

Mula sa Bulan, Sorsogon, dumayo pa si Victor sa Casiguran upang ipahayag ang kaniyang suporta sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang senador.

Naniniwala si Victor na hindi makatarungan ang agad na pagsasabing masama ang isang tao nang wala pang napatutunayang ebidensiya sa korte.

Sa kabila ng mga ibinabatong akusasyon, patuloy na humaharap si Pastor Apollo sa hamon ng paninirang walang matibay na pruweba.

Sa kabila nito, maraming naniniwala na siya ay may kakayahang baguhin ang kalakaran sa politika—higit lalo kung ikukumpara sa mga politikong inuuna ang pansariling interes.

“Buong Bulan, Sorsogon… ‘Mahinguha kami’ na isulong ang iyong kandidatura bilang senador!” dagdag ni Cuprade.

“Hindi hahantong sa korapsyon ang paninilbihan mo!” aniya pa.

Bukod kay Victor, isa rin si John Vincent Espaldon—isang coordinator sa 2nd District ng Sorsogon—sa hayagang nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo.

Aniya, walang halong kapalit ang kanilang pagsuporta dahil batid nilang tunay ang malasakit ng butihing Pastor sa mga nangangailangan.

“Para kay Pastor, ang masasabi ko lang—lakasan niyo pa ang inyong loob! Kami ay handang sumuporta… at wala kaming hinihinging kapalit!” wika ni John Vincent Espaldon, Coordinator, 2nd District, Sorsogon.

“Kasi ’yun na rin ang ginagawa niyo ngayon, hindi lang nakikita ng maraming tao,” dagdag nito.

Ayon pa kay John Vincent, habang patuloy ang paninira laban kay Pastor Apollo, mas lalo naman itong nagbibigay-daan upang malaman ng taumbayan ang katotohanan.

“Ako? Hindi po ako kaanib sa inyong samahan, pero nakita ko kung paano kayo tumulong. May mga kakilala rin akong kayo ang bukambibig—dahil sa dami ng inyong natulungan!” ani Espaldon.

“Kung sino ang mabunga, siya ang binabato! Mas matakot sila kapag nakaupo na kayo!” giit nito.

Sa kabila ng mga hamon, malinaw na lumalakas ang suporta para kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Para sa kaniyang mga taga-suporta, ang kaniyang laban ay hindi lang laban niya—kundi laban din ng taong bayan na naghahanap ng tunay na pagbabago.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble