Mas maraming COVID-19 hotspots, naitala sa Sihanoukville

NAKAPAGTALA ng mas maraming COVID-19 hotspots ang Sihanoukville kung saan ang kahuli-huling establisyimento na ipinasara ng mga awtoridad ay isang International Hotel.

Muling nagpatupad ng temporaryong pagsasara ang Preah Sihanouk Provincial Administration sa isang lokasyon sa Sihanoukville matapos makapag-ulat ng labing siyam na kaso ng COVID-19.

Ito ay ang Hai Chi Kang International Hotel.

Dahil dito umabot na sa pitong lokasyon ang ipinasara ng mga awtoridad.

Kabilang rito ang Jin Bei Casino and Hotel, Jin Bei Palace Hotel, Jin Bei Artisan Hotel, Win Condo, Crowne Plaza Hotel, 17 Romance Bar at ang Hai Chi Kang International Hotel.

Bilang karagdagan rito, minarkahan ring hotspot ang Sihanouk Central Hospital dahil sa dami ng bilang ng pasyente ng COVID-19 na ginagamot rito.

Sa kabuuan ay mayroon nang walundaan at limang kaso na naitala sa Cambodia kung saan tatlundaan at dalawa rito ay mga bagong kaso na naitala lamang sa nakalipas na pitong araw dahil sa February 20 incident.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.