Mas maraming housing projects sa Mindanao, layunin ng DHSUD

Mas maraming housing projects sa Mindanao, layunin ng DHSUD

LAYUNIN pa rin ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pagkakaroon pa ng malawakang housing projects sa Mindanao.

Sa pahayag ni DHSUD Sec. Jose Rizalino Acuzar, sa Zamboanga City pa lang ay 25-K na mga pamilya ang bibigyan nila ng bahay kung makukumpleto na nila ang kanilang proyekto doon.

Sa Caraga Region ay masisimulan na rin ang konstruksiyon ng housing project sa Brgy. Osmena, Siargao, Surigao del Norte.

Matatandaang target ng kasalukuyang administrasyon ang makagawa ng anim na milyong housing units sa loob ng anim na taon para sa mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble