UMAASA si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na magkaroon pa ng mas maraming investments sa manufacturing sector.
Ito’y dahil nasa 1.39-M na mga available na trabaho ang nawawala taon-taon dahil sa kakulangan ng stable investments, mataas na power cost sa bansa, at iba pa.
Sa kabila nito ay pinuri ni Salceda ang pamahalaan dahil makikita namang may ginagawa aniya ito para mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino.
Sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.6% lang ang unemployment rate noong November 2023 mula sa 4.2% na naitala noong kaparehong panahon sa taong 2022.