Mas mataas na cash grant para sa 4Ps beneficiaries, maganda sana pero may problema—Sen. Escudero

Mas mataas na cash grant para sa 4Ps beneficiaries, maganda sana pero may problema—Sen. Escudero

MAGANDA ang panukalang taasan ang cash grant para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ayon kay Senator Chiz Escudero.

Kasunod ito sa panghihikayat ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na madaliin ang proseso upang mapataas ang cash grant.

Ang normal na proseso para dito ay aabutin pa ng dalawang taon.

Ang problema lang ayon kay Sen. Escudero, posibleng walang sapat na mapagkukunan ang bansa para sa pondo na igugugol dito.

Sa pinakahuling tala ay umabot na sa P13.9-T ang utang ng Pilipinas.

Ang COVID-19 pandemic ang itinuturong dahilan sa nararanasang krisis sa ekonomiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter