Mas mataas na sahod ng mga guro, tiniyak ni Angara

Mas mataas na sahod ng mga guro, tiniyak ni Angara

NANINIWALA si newly-appointed DepEd Sec. Sonny Angara na matataasan pa ang sahod ng mga guro sa ilalim ng Marcos administration.

Ayon kay Angara, nakikita nilang isa sa mga susi sa magandang kalidad ng edukasyon ang pagkakaroon ng mataas na sahod ng mga guro dahil daan ito para mas maging “inspired” sila sa kanilang trabaho.

Binigyang-diin lang nito na maaaring hindi ito mangyari ngayong taon subalit tiyak na magkakaroon ito.

Maliban dito ay tiniyak rin ni Angara na ipagpapatuloy nya ang iba pang mga programa ni outgoing DepEd Sec. Vice President Sara Duterte sa ahensya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble