Mas matibay na defense cooperation mechanism, paiigtingin sa pagitan ng Pilipinas at China

Mas matibay na defense cooperation mechanism, paiigtingin sa pagitan ng Pilipinas at China

PAIIGTINGIN ang mas matibay na defense cooperation mechanism sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kasunod ito ng isinagawang courtesy call ni Chinese Ambassador Huang Xilian kay Secretary of Defense Gilbert Teodoro sa Camp Aguinaldo.

Muling binigyang-diin ng dalawang bansa ang kasalukuyang defense relations nito sa pamamagitan ng bilateral mechanisms at mga mapayapang dayalogo.

Kinilala rin ng kalihim ang malaking tulong ng China sa Pilipinas pagdating sa military aid nito simula pa noong 2006 na naging kaagapay rin sa humanitarian activities ng Pilipinas sa mahabang panahon.

Sa katunayan, pangungunahan ng Chinese Government ang Philippines-China Annual Defense and Security Talks (ADST) sa mga susunod na mga araw ngayong taon.

Sa huli, hindi kinalimutan ni Sec. Teodoro ang paninindigan ng Pilipinas sa karapatan ng bansa na ipagtanggol ang interes ng bayan mula sa iba’t ibang banta sa labas ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter