Mas matibay na ugnayan sa Russia at India, ipinangako ng China

Mas matibay na ugnayan sa Russia at India, ipinangako ng China

IPINANGAKO ng China sa Russia at India na mas lalo pa nilang pagtibayin ang kanilang ugnayan.

Sa pahayag ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov, hakbang ito ng China upang mapananatili ang komunikasyon sa kanilang bansa maging ang pakikipagpakasundo nito sa Ukraine.

Matatandaang hinikayat ng Estados Unidos na tumulong na ang China para maresolba ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa panig naman ng India, hakbang ito ng China upang tuluyang maisaayos ang kanilang ugnayan.

Taong 2020 nang humina ang ugnayan ng India at China dahil sa nangyaring labanan ng kanilang tropa sa Himalayan Border.

24 ang namatay noon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter