BUMUHOS ang pasasalamat at pagbibigay-pugay sa mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagdiwang ng kanilang ika-121 anibersaryo ngayong taon.
Lalo pa’t hindi matatawaran ang tuluy-tuloy na pag-angat ng kalidad na serbisyo ng organisasyon sa buong bansa.
Nauna na nitong ipinagmamalaki ang tumataas na bilang ng mga tauhan nito kasabay ng malawak na serbisyo-publiko saan mang dako ng bansa.
Halos walang patid din ang pagdating ng naglalakihang barko at de-kalidad na kagamitan para sa mga operasyon nito tuwing may mga kalamidad at mga sakuna.
“We are celebrating our 121st Founding Anniversary at ang tema ng ating celebration is ‘Committed to Go Beyond Towards Nation-Building.’ So, ang mensahe namin ay pasasalamat sa sambayanang Pilipino, pasasalamat sa ating naging kasama sa pagtatrabaho sa Coast Guard for the last 121 years. This is a success not for the Coast Guard but this is a success for our family, for our love ones, and success for the Filipino nation dahil sama-sama tayong naglingkod kasama na diyan ‘yung ating mga miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary and the stake holders that we are working with,” pahayag ni Admiral Artemio Abu, commandant, PCG.
Samantala, sa kanyang pagbisita, hinangaan mismo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang gumagandang kalidad ng PCG lalo na sa pagbabantay sa mga karagatang sakop ng Pilipinas, at sa ating mga mangingisda.
Ayon kay Coast Guard Admiral Abu, patuloy pa nilang pagsisikapan ang kanilang trabaho na makapaghatid ng maayos na serbisyo sa mga Pilipino.
“When then the strong man from the North the then President Ferdinand Edralin Marcos, Sr. made the statement in his first State of the Nation Address sinabi na noon na kailangan natin magkaroon ng strong Coast Guard and that statement yielded to the approval of the Coast Guard Law of 1967 the Republic Act 5173. So, nagpapasalamat ako sa ating mahal na Pangulo sa kanyang pagpapaunlak sa aming paanyaya at sa kanyang mensahe na patuloy sa pagsuporta sa atin sa Philippine Coast Guard,” ayon kay Abu.
Sa huli, nanindigan ang organisasyon na hindi sapat ang may maayos lang na pasilidad at kagamitan, kundi ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa pangangalaga sa coastal areas at sa paninindigan sa mga pag-aaring teritoryo ng mga Pilipino.
“As our anniversary theme says, we are recommitting ourselves to go beyond and do more to be participants in nation-building. Asahan niyo ang Coast Guard panatilihin nating ligtas ang ating mga karagatan na malinis ang ating karagatan and ang Philippine Coast Guard kasama ng Coast Guard Auxiliary ay patuloy na maglilingkod sa ating bayan,” dagdag ni Abu.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Pangulong Marcos, pinangunahan ang ika-121 anibersaryo ng PCG ngayong araw
Suporta sa modernisasyon sa PCG, ipinangako ni Pangulong Marcos