Mas pinalakas na hanay ng PNP at imprastraktura, tututukan ng bagong PNP Chief

Mas pinalakas na hanay ng PNP at imprastraktura, tututukan ng bagong PNP Chief

TUTUTUKAN ng bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalakas sa kakayahan ng mga pulis para sa mas epektibong pagtupad nila sa tungkulin.

Ito’y matapos tanggapin ni P/Gen. Rommel Francisco Marbil ang hamon na pamunuan ang buong hanay ng PNP.

Sa ilalim ng temang Bagong Pilipinas, sinabi ni Marbil na kanilang itutulak ang streamlining sa kanilang organisasyon.

Idagdag na rin diyan ang tama at responsableng paggastos at paglalagay ng mga angkop na imprastraktura gayundin ng mga itatalagang tao upang masiguro ang epektibo at maasahan na pagsunod sa itinatakda ng batas.

Tiniyak din ni Marbil na isasaalang-alang din nila ang kaligtasan at kapakanan ng mga pulis na tumutupad ng ayon sa kanilang tungkulin para sa bayan sa pamamagitan ng mga makabagong sistema na siyang maghahatid ng positibong pagbabago.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble