MULING pinaalala ni John Lapus sa mga LGBTQ community ang masasakit na salita na tinawag sa kanila ni Senator Manny Pacquiao.
Sa isang interview, muling tinanong si Senator Pacquaio tungkol sa mga LGBTQ, na tila nagbago ang stand nito matapos inanunsyo ang pagtakbo sa pagka pangulo sa 2022 national election.
“Hindi ko kino-condemn ‘yung mga LGBT.. As person, hindi mo sabihin na galit ka sa kanya, kinokondena mo siya,” -ani Pacquiao.
Kasunod naman nito ang isang Twitter post ni John Lapus na nagpapaalala sa mga kapwa LGBTQ sa mga pagtawag sa kanila ni Pacquiao na “mas masahol pa sa hayop”.
“Mga bakla! Wag kalimutan, sinabihan tayo nyan ng “Masahol pa sa Hayop,” ani Lapuz
Matatandaang noong 2016 nang tanungin si Pacquiao ukol sa same sex marriage taliwas sa kanyang pahayag ngayon.
“Common sense lang. Makakakita ka ba ng any animal na lalaki sa lalaki, babae sa babae? Mas mabuti pa ‘yung hayop, marunong kumilala kung (lalaki o babae), ‘di ba? Ngayon, kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, “Mas masahol pa sa hayop ang tao,” ani Pacquiao noong 2016.
Marami namang LGBTQ ang sumuporta at nag-retweet sa post ni John at tila hinding hindi na makakalimutan ang masasakit na salitang binato sa kanila ng senador.
Maraming ring netizens ang nag-react at nag-comment na papalapit na umano ang election at nagbago lang anila ang pananaw ni Pacquiao dahil sa pag-anunsyo nito na tatakbo sa pagka presidente sa darating na eleksyon.