Masamang epekto ng implementasyon ng Rice Tariffication Law pinasusuri kay Sec. Dar

Masamang epekto ng implementasyon ng Rice Tariffication Law pinasusuri kay Sec. Dar

NANAWAGAN si Sen. Lito Lapid kay outgoing DA Sec. William Dar na tingnan ang diumano’y masamang epekto ng implementasyon ng Rice Tariffication Law (RTL) sa mga magsasaka sa bansa.

Sa isang liham kahapon Hunyo 27 ay ipinaalam ng senador sa kalihim ang mga hinaing at saloobin ng mga magsasaka na ipinaabot sa kaniya at nakiusap dito na tukuyin ng kalihim ang mga kailangang rebisyon at amendments na dapat gawin sa batas.

Aniya kahit patapos na ang termino ni Sec. Dar sa Hunyo 30, ay kailangang makagawa ito ng totoong pagsusuri sa implementasyon ng RTL para magabayan ang susunod na administrasyon sa pagsasaayos sa kasalukuyang programa.

Ilan aniya sa mga reklamo ngayon ng mga magsasaka ay ang pagbaha ng mga imported rice sa local market dahilan para malugi ang mga ito.

Ito ay dahil napipilitan aniya ang mga magsasaka na ipagbili ang kanilang produkto sa mababang halaga.

Follow SMNI NEWS in Twitter