Masamang tingin sa mga fraternity, binago ng ‘One Tree, One Nation’ initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Masamang tingin sa mga fraternity, binago ng ‘One Tree, One Nation’ initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy

PINATUNAYAN ng grupo ng Alpha Kappa Rho (AKHRO) San Carlos, Pangasinan Chapter na hindi sila masama sa tingin ng lipunan at mga kabataan bilang isang fraternity.

Ito ay matapos na makilahok ang grupo sa katatapos lang na ‘One Tree, One Nation’ initiative ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa Coastal Area ng Brgy. Sobol, Baybay East, San Fabian, Pangasinan nitong Sabado Enero 4, 2025 sa pangunuguna ni Senatorial Aspirant, Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa panayam ng SMNI kay Mike Alcantra, isa sa mga opisyal ng AKHRO, kung hindi dahil sa imbitasyon at tulad sa mga programa ni Pastor Apollo, hindi nila maipapakita sa lipunan lalo na sa mga kabataan na kaisa rin sila sa pagmamahal sa kalikasan, lalo na sa bayan.

Isa lamang ang grupo ni Mike sa maraming pribadong sektor at organisasyon na sumali sa makakalikasang programa na ito ni Pastor Apollo na nagtanim ng mahigit 600 mangrove seedlings sa nasabing barangay.

Aminado si Mike na hindi na bago sa kanilang pandinig ang mga kutya ng iba na nauuwi sa takot ng mga kabataan na sumali sa kanilang grupo dahil sa mga isyu ng pakikipag-away at iba pang masasamang aktibidad o gawain na ikinakabit sa mga kagaya nilang fraternity o sorority groups.

Umaasa rin si Mike na makikita ngayon ng buong bansa ang kanilang grupo bilang isang huwaran na samahan na sumusuporta sa magagandang adhikain at proyektong panlipunan.

Maging ang batikang mamamahayag at political commentator na si Jay Sonza, aminadong malaki ang naitutulong ng mga programa ni Pastor Apollo lalo na sa pagpapanumbalik ng kamalayan ng mga kabataan sa pagmamahal sa bayan sa halip na malulong sa makabagong sistema ng teknolohiya na nagiging dahilan ng pagbagsak ng pagkamakabayan ng maraming kabataang Pilipino.

Bolunterismo at bayanihan, susi sa maunlad, payapa at malinis na mamamayan

Sa ilalim ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na sinimulan pa noong 2005, hindi lang mga puno at kabundukan, estero, ilog o karagatan ang nababago ni Pastor Apollo, kundi pati na rin ang malayang isipan ng mga kabataan at bagong henerasyon ngayon na mahalagang mapagyaman natin ang natural na ganda ng kalikasan dahil ito ang tahanan ng ating lahi at ng susunod pang mga henerasyon.

Ika nga, wala pa man sa larangan ng politika si Pastor Apollo, marami na siyang nagawa para sa bayan.

Marami na siyang natulungan na mahihirap na mga mamamayan mula sa libreng pagkain, tirahan, at edukasyon hanggang sa espirituwal na kaliwanagan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangangaral ng mga salita ng Diyos sa telebisyon o sa internet.

Mula sa nasabing kakayahan at mga nagawa ng Butihing Pastor, hindi imposible ang pangarap ng bansa na maging una ito sa kaayusan, disiplina, malaya sa korapsiyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Hindi rin imposible na maging kilala ang Pilipinas sa larangan ng imprastraktura at malagong ekonomiya hindi lang sa Asya kundi maging sa buong mundo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter