TULOY-tuloy ngayong taon ang pagsasagawa ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ng mga environmental activity upang maisulong ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa ating kapaligiran.
Sa ikalawang linggo ng taong ito, isa sa napiling pagdausan ng Nationwide Cleanliness Drive—na may temang “Kalinisan: Tatag ng Bayan” ang Brgy. 5, Zone 1, sa Cavite City.
Partikular na nilinis at tinanggal ng SPM volunteer ang sangkaterbang mga basura sa mangrove forest sa naturang lugar.
Kabilang sa mga basurang nagkalat dito ay mga plastik, styrofoam, basag na bote at salamin, bags, diapers, plastic bottles, mga sako, tela, kahoy, at marami pang iba.
Naging katuwang ng SPM sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng barangay pati na rin ang ilan sa mga residente rito.
“Sari sari sa ibang lugar lalo na sa Manila Bay, doon halos lahat nanggagaling. ‘Pag laki ng tubig, halos ang punta dito sa aming lugar.”
“Ang basura naman po ay talagang perwisyo sa aming lugar lalo na kapag nagbaha kasi punung-puno ng mangrove ang lugar namin kaya ang basura hindi nakakalabas,” wika ni Capt. Wilfredo Guevarra Borromeo, Brgy. 5, Zone 1, Cavite City.
Nakilahok din ang grupo ng mga kabataan mula sa Keepers’ Club International at ilang mga indibidwal na masigasig na nakiisa sa paglilinis ng kapaligiran.
“Napakahalaga po ng partisipasyon ng mga kabataan lalo na sa mga ganitong bagay na paglilinis ng environment kasi once na lumaki sila na naglilinis ng environment, siyempre maisasalin din nila sa mga kabataan next generation ‘yung mga natutunan nila noong kabataan nila na naglilinis po sila,” ayon kay Zoilo Gavriele Antonio, SK Chairman, Brgy. 5, Zone 1, Cavite City.
Para naman sa isa sa mga Banateros at SMNI anchor na si Master Judea, ang tuloy-tuloy na aktibidad na ito para sa kalikasan ay tunay ngang isang pag-aalay, pagsasakripisyo at pagmamahal sa ating Inang Bayan.
“Napakasarap sa pakiramdam, bilang ako laking probinsya, laking kalikasan, napakasarap at nakikita natin na maraming nakikiisa sa paglilinis ng ating kapaligiran.”
“At ito na ginagawa natin, ito ay hindi pa-photo-photo ops lang dahil ginagawa na natin ito matagal nang panahon mula pa noon kay Pastor Quiboloy. But this time ginagawa na natin ng more than two months,” ayon kay Master Judea, SMNI Anchor.
Hindi na maitatanggi ang negatibong epekto sa atin ng isang kapaligiran na puno ng basura.
Bukod sa baha, masama rin ang dulot nito sa ating kalusugan at kabuhayan.
Kaya naman, isang napakahalagang tungkulin ng bawat mamamayan na itinuturo sa atin ni Pastor Apollo na makialam sa pangangalaga sa ating kapaligiran at magkaroon ng disiplina sa sarili.
At ito ang layunin ng programang ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ Nationwide Cleanliness Drive ni Pastor Apollo Quiboloy sa ilalim ng Sonshine Philippines Movemento (SPM), na kanyang itinatag noon pang 2005 — na ang pangunahing adbokasiya ay ang pangangalaga sa ating kalikasan.
“Katulad ng ating tahanan, sinasabi natin na ‘pag marumi ang tahanan, hindi po tayo papasukin ng grasya. Parehas din iyan eh ng adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy. ‘Pag malinis ang ating kapaligiran, malinis din ang papasok sa ating isipan.”
“Ito ay magre-reflect sa ating pagkatao.”
“Tayo ay nakapunta na sa mga ari-arian o sa mga properties ng KOJC gaya ng Glory Mountain at Prayer Mountain. Doon po sa lugar na iyon ay akala mo’y paraiso, parang nasa iba kang dimensyon.”
“Nagulat nga ako eh noong unang punta ko doon na meron palang nag-e-exist na ganoon sa ating bansa, matatagpuan lang natin d’yan sa Davao,” dagdag ni Master Judea.
Pagmamahal at pangangalaga ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kalikasan, kinilala at pinuri
Lubos naman ang pasasalamat ng taga-Barangay Singko dahil may isang Pastor Apollo C. Quiboloy na puno ng malasakit at pagmamahal sa kalikasan.
“Laking pasasalamat ko dahil may mga volunteer na pumunta, naglinis ng aming lugar. Maraming maraming salamat po kay Pastor Quiboloy.”
“Napakalaking bagay sa lugar namin na nandito kayo mga volunteer na tumulong na maglinis,” saad ni Capt. Wilfredo Guevarra Borromeo, Brgy. 5, Zone 1, Cavite City.
“Maraming salamat po, ‘yung vision n’yo po na maglinis ng kalikasan is napaka-importante po talaga,” wika ni Zoilo Gavriele Antonio, SK Chairman, Brgy. 5, Zone 1, Cavite City.
“Si Pastor Apollo C. Quiboloy kung tutuusin nasa kanya na lahat eh. Wala na siyang hihilingin pa. Everything that you can dream of, nasa kay Pastor Apollo C. Quiboloy na. Unang-una iniaalay niya ang natitira niyang buhay, hindi lang sa kanyang kongregasyon kundi sa buong Pilipinas. Kaya siya, ibinibigay niya ang kamay niya para maging senador ng Pilipinas para sa ganun, magkaroon siya ng mas malawak na reach para makatulong sa ating mga mamamayan. Si Pastor Apollo C. Quiboloy, perfect example kumbaga complete package, ika nga,” ayon pa kay Mater Judea.
Nabatid na sako-sakong mga basura ang nakuha ng SPM volunteers mula sa nilinis na lugar.
Tumanggap naman ng certificate of appreciation ang Sonshine Philippines Movement, Keepers’ Club International at ang Sonshine Media Network International (SMNI) mula sa opisina ng punong barangay ng Brgy. 5, Zone 1 sa lungsod ng Cavite.
Follow SMNI News on Rumble