Masayang Ocean Park Hong Kong experience na handog ng KOJC, ibinahagi ng Banateros bros at DDS vloggers

Masayang Ocean Park Hong Kong experience na handog ng KOJC, ibinahagi ng Banateros bros at DDS vloggers

IBINAHAGI ng Banateros brothers at DDS vloggers ang masayang Ocean Park Hong Kong experience na handog ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Kasunod ng Disneyland experience – muling nag-enjoy ang SMNI hosts na Banateros brothers kasama ang ilang vloggers sa isa sa pinakasikat na adventure park sa mundo, ang Ocean Park Hong Kong.

Hindi rin nagpahuli sa masayang bump car ride.

Aba’y wala ring katakot-takot ang mga ito sa pagsakay sa roller coaster ride, sabi nila isigaw lang at ‘di mo na mararamdaman ang takot at kaba.

Bahagya silang nakapagpahinga nang magtungo sila sa Arctic Adventure kung saan nakita nila nang personal ang naglalakihang penguins, at cute na mga arctic fox.

Mula rito, aminado ang lahat na hindi nila akalain na mararanasan nila ang ganitong treat mula sa KOJC, partikular na kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

‘’Yung mga ganitong lugar… Noong aking kabataan sir, aminado ako hindi talaga ako nakarating ng ganito, kung hindi ako umabot ng 46 anyos, hindi ko ito narating. Maraming maraming salamat po kay Pastor, dahil ang lahat ng ito ay na-experience namin dahil po sa treat ni Pastor ACQ. Pastor maraming salamat po talaga,’’ayon kay Pambansang Loyalista, Vlogger.

‘’Una sa lahat sa Diyos, at kay Pastor Apollo C. Quiboloy. Una nga doon sa ating naramdaman sa Disnyeland, dahil ‘yung palang alagang umaapaw, siksik, liglig ang kaligayahan naming mga vloggers na naimbitahan kami dito, despite na hindi po kami mga kaanib, nililinaw po namin mga kababayan, hindi po kami kaanib ni Pastor Apollo C. Quiboloy, pero binigyan kami ng opportunity  na maramdaman at maranasan itong mga experience na napakaganda, napakasarap, once in a lifetime moment na madala ka sa ganitong lugar at  talaga naman very expensive,’’ saad ni VMR Channel, Vlogger.

‘’Ngayon, nandito po kami ngayon sa Ocean Park, at nais kong pasalamatan sa kabaitan po ninyo sa ginawa niyo po dito sa Hong Kong at sa lahat po ng mga miyembro ng KOJC at ‘yung namumuno po dito, ‘yung administrator po dito, maam maraming salamat po sa magandang kalooban po ninyo,’’ ani Dhan Chan, Vlogger.

‘’Isang bagay lang po ang sasabihin ko, hindi po totoo lahat ng binibintang, dito po saksing buhay po kami at ‘yung mga KLC dito, sila po ang magpapatunay sa kabaitan ni Pastor,’’ dagdag nito.

Para naman sa mga Banateros, hinding hindi anila sila magsasawang pasalamatan si Pastor Apollo kasama ng mga manggagawa’t miyembro ng KOJC para sa kabutihang-loob na ipinadarama sa kanila.

‘’Gusto ko lang magpasalamat po sa pamunuan ng KOJC, ng SMNI sa pagbibigay po ng opportunity na mga vlogger na kung tutuusin wala naman kami dito pero napakabait ni Pastor Apollo C. Quiboloy at KOJC, binigyan kami ng pagkakataon na makapagpahinga, makapag-relax at makapag-enjoy, kasama itong mga kapatid nating mga taga-KOJC, nagpapasalamat din po kami dahil sa experience na ito nag-iba po ang pananaw namin sa buhay,” ayon kay Master Judea, Host, Banateros sa SMNI.

‘’Kahit ‘di po kami miyembro ng KOJC, kami po ay nananalangin na sana matapos na po itong kaguluhan ng inyong kongregasyon at dinadanas po nating magkakampi, para mabalik na po sa normal ang ating buhay at para maipagpatuloy na ninyo po ang pagpapalaganap ng salita ng Diyos at makapagturo pa po kayo sa maraming tao kung papaano po maglingkod sa bayan, maglingkod sa Diyos, at sa inyong mga nasasakupan,’’ dagdag nito.

Para naman kay Coach Oli, sa kabila ng hindi nila pagiging miyembro, pantay at walang paghuhusga silang tinanggap ng KOJC.

Mula sa mga karanasang ito nang sila ay maging bahagi ng pamilya ng SMNI at pagsuporta sa adbokasiya ng KOJC, naniniwala sila na marami ang dapat na matutunan ng gobyerno sa Kingdom sa aspeto ng good governance, pamumuno at pantay na pagtrato hindi lang sa kongregasyon kundi sa lahat ng komunidad sa bansa.

‘’Puno ng disiplina, walang korapsiyon, walang kasamaan kundi puro pag-ibig ang itinataguyod sa Bansang Kaharian,’’ ani Coach Oli, Host, Banateros sa SMNI.

‘’Nakita namin ‘yung generosity, napaka-generous ni Pastor Quiboloy hindi lang sa KOJC kahit sa taga-labas katulad ko, katulad namin, sobra. Kung ito ay matututunan ng especially ng mga politiko, instead na magnakaw eh magbigay, makikita po ‘yung kabuuang pagtaas ng ating bansa katulad nito, nakikita namin ‘yung pagtaas ng KOJC kasi hindi korap si Pastor Quiboloy,’’ dagdag nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble