Mass operation laban sa mga iligal na dayuhan sa Malaysia, ipatutupad na sa susunod na buwan

Mass operation laban sa mga iligal na dayuhan sa Malaysia, ipatutupad na sa susunod na buwan

NAGPAALALA ang Ministry of Home Affairs sa bansang Malaysia na wala nang tatanggaping rason sakaling may mga iligal pang dayuhan na maaresto pagkatapos ng repatriation recalibration program.

Umabot sa 282,581 unauthorized immigrants ang nagparehistro sa ilalim ng Repatraition Recalibration Program at boluntaryong bumalik sa kanilang mga bansang pinagmulan hanggang nitong Hunyo 23.

Ayon kay Minister of Home Affairs Dato Seri Hamzah Bin Zainudin, hindi na palalawigin pa ang deadline para sa pagpaparehistro sa recalibration program.

Ayon pa rito, sinumang dayuhan na naninirahan sa bansa na walang valid documents at walang verification mula sa Immigration Department ay dadalhin sa korte sakaling mahuli ng mga awtoridad.

Dagdag pa ni Zainuddin na dapat samantalahin ng undocumented immigrants ang pagkakataong magparehistro sa programa bago matapos ang buwang ito.

Bukod dito sinabi rin ni Zainudin na umabot na sa 418,524 undocumented immigrants ang nagparehistro sa ilalim ng Employment Recalibration Program.

Samantala, aabot sa RM1-B ang levi payment na nakolekta sa unang 5 buwan ng taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter