Mass testing, ipinanukala ni Sen. Hontiveros

IPINAPANUKALA ngayon si Senator Risa Hontiveros na magkaroon ng mass testing sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng confirmed cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang naging panawagan ng senadora sa Department of Health (DOH).

Aniya, kailangan magkaroon ng malawakang COVID-19 testing lalo na sa mga health workers, frontliners at mga matatanda.

Dahil kung gusto ani Hontiveros na masugpo ang naturang sakit ay kailangang madetermina agad ang maraming kaso at ma-isolate agad ang mga ito at hindi na makahawa pa.

“The logic is simple: To defeat the outbreak, we need to determine more cases, isolate them, and respond to their treatment and care.”

Dagdag pa ng senadora, ang may mga malalang sintomas lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na sumailalim sa COVID-19 test.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.