Mass vaccination para sa mga menor de edad sa Maynila, sisimulan sa 6 ospital

Mass vaccination para sa mga menor de edad sa Maynila, sisimulan sa 6 ospital

SISIMULAN na ngayong araw ang mass vaccination para sa mga menor de edad 12-17 sa anim na distrito sa lungsod ng Maynila.

Gagawin ang pagbabakuna sa mga hospital na pag-aari ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Kabilang na dito sa Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Jose Abad Santos General Hospital, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital Ng tondo at  Sta. Ana Hospital.

Ayon naman kay Mayor Francisco Isko Moreno, aabot na sa 51,551 na 12 hanggang 17 years old ang nakapagparehistro na sa vaccination.

Sa tala ng Manila Public Information Office, aabot na sa 3,474 na mga menor de edad na may comorbidities ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccine.

Samantala, sisimulan na rin ngayong araw sa lungsod ng Pasay ang bakunahan ng mga menor de edad na gagawin sa Cuneta Astrodome mula alas-otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Ang registration ng pagbabakuna sa mga minors ay ginawa sa Pasay DepEd para sa mga estudyante mula sa public school habang ang registration sa barangay ay ginagawa ng mga estudyante ng private school, out of school youth at residente ng Pasay na nag-aaral sa public school sa labas ng Pasay.

Kailangan lamang ng mga requirements o dokumento na nagpapatunay ng relasyon ng anak sa magulang, accomplished na ibibigay sa registration at valid government-issued ID ng magulang/guardian.

SMNI NEWS