Massive explosion sa Beirut, Lebanon, nagdulot ng dose-dosenang nasawi at malawakang pagkasira sa lugar

Massive explosion sa Beirut, Lebanon, nagdulot ng dose-dosenang nasawi at malawakang pagkasira sa lugar

NIYANIG ng dalawang massive explosion na lumikha ng higanteng mushroom cloud ang lungsod ng Beirut sa Lebanon, Martes ng gabi oras ng nasabing lugar.

Nangyari ang pagsabog malapit sa port ng nasabing lungsod.

Woodprofit

Ayon sa huling ulat, umabot na sa mahigit 70 ang nasawi habang nasa mahigit 4, 000 ang nasugatan at inaasahang aakyat pa ang bilang nito sa patuloy na isinagawang rescue operation sa lugar.

Nagbunsod naman ng malawakang pagkasira sa lugar kungsaan malaking bahagi ng port ang nasira kabilang na ang mga gusali na nasa paligid, at may mga sasakyang bumaliktad.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang dahilan ng massive explosion sa Beirut ngunit iniugnay ito sa 2, 700 toneladang nakumpiskang ammonium nitrate na nakatago sa isang warehouse ng port ng anim na taon.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, wala pang naitalang Pilipino ang apektado sa nasabing  pagsabog.

Kasalukuyang mino-monitor ng Philippine Embassy sa Beirut ang sitwasyon ng Filipino community at agad na magbigay ng tulong kung sakaling may apektadong overseas Filipino workers (OFWs) sa nasabing pangyayari.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Leave a Reply

Your email address will not be published.