Massive fire, sumiklab sa isang palengke sa Ajman, UAE

Massive fire, sumiklab sa isang palengke sa Ajman, UAE

SUMIKLAB ang massive fire sa isang palengke ng Ajman sa United Arab Emirates (UAE) alas-sais ng gabi ng Agosto 5 (oras ng lugar).

Nangyari ang sunog wala pang 24 oras matapos ang nangyaring massive explosion na yumanig sa Beirut, Lebanon.

 

Hindi pa malinaw sa kasalukuyan ang dahilan ng malawakang sunog na pinaniniwalaang nagsimula sa Iranian souq sa Ajman.

Marami nang mga bombero ang kasalukuyang rumesponde sa pinangyarihan ng sunog habang inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

Kinumpirma naman ng mga pulis na walang nasawi sa naturang insidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.