UUMPISAHAN na ngayon February 1 ng Department of Health- Calabarzon Region ang massive vaccination para sa measles, rubella at polio.
Ito ang inihayag ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo sa panayam ng SMNI News.
“Starting Monday, February 1, magkakaroon na tayo ng massive vaccination, hindi muna ng COVID kundi vaccination para sa measles, rubella at polio,” ayon kay Janairo.
Ani Dr. Janairo, ito ay magtatagal sa loob ng dalawang linggo sa buwan ng Pebrero ngunit ilalaan nila ang dalawang buwan para naman sa hindi pa mababakunahan.
Niliwanag ni Dr. Janairo na target ng ahensiya na mabigyan ng oral polio vaccination ang nasa 1.5-M na kabataan.
Bukod pa rito, may 1.3-M ng mga kabataan rin ang bibigyan ng DOH-Calabarzon ng measles at rubella vaccine.