SINASABING ‘master initiator’ sa hazing incident sa Biñan Laguna na ikinamatay ng Adamson student, tapos nang sumalang sa inquest ng Department of Justice (DOJ) Prosecutors.
Nasampahan na rin ito ng reklamong paglabag sa Anti Hazing Law of 2018.
Ang master initiator ay kinilala ng Biñan Laguna Police na si Daniel Perry alias ‘Sting’.
Ang master initiator ang siyang nanguna at nagplano sa welcome at initiation rites na dinaluhan ni John Matthew Salilig noong February 18 ng Tau Gamma Phi.
Ito rin ang nagdesisyon na ilibing sa isang bakanteng lote ang katawan ni Salilig.
Samantala, ngayong hapon ay inaasahan na mayroong panibagong persons of interest (POI) na susuko.
Sa kabuoan, nasa 18 na ang POI sa kaso kasama na rin dito ang respondent na nag-suicide sa kanyang bahay noong February 28 at kahapon lamang nalaman ng mga awtoridad.