NANAWAGAN ang mga prosecutor sa Vietnam para sa parusang kamatayan ng isang negosyante na nagtatrabaho para sa isang real estate company matapos siyang akusahan bilang mastermind ng pinakamalaking fraud scheme sa kasaysaayan ng Vietnam.
Inakusahan si Truong My Lan, Chairwoman ng real estate developer na Van Thinh Phat Holdings Group, na nag-nanakaw ng pondo mula sa isa sa pinakamalaking mga bangko sa Vietnam.
Inakusahan rin ang 68-anyos na businesswoman na nagbibigay ng suhol sa mga opisyal para isagawa ang kaniyang fraud scheme at kontrolin ang nakaw na salapi gamit ang libu-libong mga ghost company mula 2012 hanggang 2022.
Ayon sa mga prosecutor, tila hindi nagsisisi si Truong My Lan sa mga pangyayari at pinaratangan pa ang kaniyang mga tauhan habang isinasagawa ang trial laban sa kanya.
Ang mga aksyon ni Truong My Lan ay nagresulta sa $20-B na pinsala na katumbas ng halos 5% ng gross domestic product (GDP) ng Vietnam, ayon sa state media.