ISA sa repormang ipinatutupad ngayon sa Commission on Elections (COMELEC) ang masusing paggamit ng pondo ng bayan.
Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia sa panayam ng SMNI News.
Sinabi ni Garcia na naghahanda na ang COMELEC para sa paparating na Barangay at Sanguniang Kabataan elections sa Disyembre.
On-going na rin ang accreditation para sa mga political party at party-list para sa darating na eleksyon sa taong 2025.
Pagdating naman sa usapin ng hybrid election, aminado naman si Garcia na hindi ganoon kadali ang proseso na pagdadaanan bago ito maipatutupad.
Naniniwala naman si Garcia na kailangan ng batas na maipapasa sa Kamara para maipatupad ang hybrid elections sa 2025.
Aniya, kapag hindi ito naisabatas, tuloy pa rin ang automated elections sa susunod na eleksyon.