TINIYAK ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na bubusisiing mabuti ng Senado ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Ito ay pagkaraang manawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga senador na pag-aralang mabuti ang pagpasa sa naturang panukala.
Matatandaan na pagdating sa Senado, si Sen. Mark Villar ang naghain ng counterpart bill nito. TINIYAK
Sinabi naman ni Zubiri na sisimulan nilang suriing mabuti ang House version at saka bubuo ng mga kailangang amendments para maging pulido ang panukala.
Ilan aniya sa titiyakin nito ay paglalagay ng safeguards para hindi makurap ang mailalagak na pondo para sa Maharlika Investment Fund.