Mataas na bilang ng PCG personnel, ipinagmalaki ng organisasyon

Mataas na bilang ng PCG personnel, ipinagmalaki ng organisasyon

IPINAGMALAKI ng Phillipine Coast Guard (PCG) ang mataas na bilang ng kanilang personnel ngayong taon.

Lalo pang pinalakas ngayon ng PCG ang kanilang hanay matapos ito makapagtala ng all-time high na bilang ng mga personnel nito ngayong taon.

Batay sa datos ng PCG, mula noong pumasok ang Duterte administration, nasa 8k lang ang bilang nito hanggang sa nagtapos ang administrasyon at umakyat ito sa 23,000 at ngayong taon umabot pa sa 26,000.

Bagay na ipinagmamalaki ng organisasyon ang suporta ng mga kabataan sa kanilang hanay.

 “Tuluy-tuloy ang aming recruitment, ‘yung expansion ng resources namin and the support mechanism as evidence during the budget hearing even policy makers, ramdam na ramdam ko ‘yan na hindi nila kami pinahirapan sa mga request namin about budgetary requirements, kung ano ang mga proposal namin nauunawaan nila that the Coast Guard needs to be supported by the national government,” pahayag ni Admiral Artemio Abu, PCG.

Ayon kay PCG Admiral Artemio Abu, ikinatuwa nito hindi lang ang modernong suporta ng pamahalaan ngayon kundi ang malaking tiwala ng taumbayan sa kanilang organisasyon.

Kaya naman, bahagi ng kanilang pagpalalakas ay ang matuwid at maayos na samahan sa loob ng kanilang hanay.

Ayon sa PCG, isa ito sa kanilang nais iwanan na adbokasiya at tatak ng coast guard hanggang sa pagtatapos ng kanilang mga termino

“Other than modernizing the asset and capabilities of the Coast Guard, ang pinakamahalaga sa lahat dahil lagi naman nating sinasabi that the most important asset of every organization of any organization is human resource. So, ‘yan ang gusto kong i-address is to established the culture and the identity of the Coast Guard. Sinasabi ko sa mga tao ko…we will establish the identity and the culture of the Coast Guard. The culture of respect, the culture of discipline, culture of trust, culture of competence, culture of team work, and good human relations,” ayon pa ni Abu.

Samantala, sa pagtutulungan ng PCG at Auxilliary Excutive Squadron katuwang ang Philippine Chinese Charitable Association Inc., isang Mega Medical and Dental Activity ang kanilang inorganisa para sa mga residente ng bayan ng Malvar, Batangas.

Daan-daang mga benepisyaryo ang nakakuha ng libreng medical check-ups at dental operations na handog ng Chinese General Hospital and Medical Center.

Nauna nang ipinaliwanag ng organisasyon na hindi lang sa pangangalaga at proteksiyon sa karagatan ang mandato nila kundi ang pangangalaga sa kalikasan, pagtulong sa kapwa at pagsagip sa buhay lalo na sa mga nangangailangan.

Ayon sa PCG, ang programa ay bahagi ng nakatakdang pagdiriwang ng ika-121 na anibersaryo ng organisasyon ngayong buwan.

“Alam niyo ‘yung sinasabing humanitarian service, a lot of people are coming forward to join us. They’re wanting to belong to the coast organization itong tinatawag nating Coast Guard Auxiliary, sila ‘yung mga volunteers eh na gustong tumulong sa komunidad, syempre kailangan meron silang avenue, may grupo kung saan sila sasama. Now they see it ‘sa Coast Guard tayo sumama’ so dumadami ang aming Coast Guard Auxiliary. Natutuwa naman kami at ‘yun nga noong nag-commandant ako ‘yun ang isa sa mga gusto kong bibigyan ng pagpapahalaga ‘yung Coast Guard Auxiliary na ‘yan anchored in the spirit of volunteerism, deeply rooted spirit of volunteerism. Meron tayong kasabihan ‘Nothing is stronger than a heart of a volunteer’,” aniya pa.

 

Bukod sa medikal na serbisyo, nakatanggap din ng regalo ang mga benepisyaryo mula sa mga nabanggit na mga pangunahing grupo.

 

Follow SMNI News on Twitter