Mataas na kalibre ng armas, ikinanta ng dating political instructor ng guerilla front Sendong sa Misamis Occ.

Mataas na kalibre ng armas, ikinanta ng dating political instructor ng guerilla front Sendong sa Misamis Occ.

ITINURO ni alyas Yumi, isang dating miyembro ng communist terrorist group (CTG) ang lugar ng pinagtaguan ng isang mataas na kalibre ng armas ng mga kasamahan nito sa gerilya.

Ang nasabing armas ay isang 7362mm RPK-47 light machine gun na nakatago sa Brgy. San Lorenzo Ruiz, Sinacaban, Misamis Occidental.

Napag-alaman na ang nasabing baril ay nasira mula nang makaengkuwentro ng guerilla front Sendong ang tropa ng pamahalaan sa Brgy. Bagong Baguio Sergio Osmena Zamboanga del Norte nitong nakaraang buwan.

Si alyas Yumi ay dating political instructor ng nasabing guerilla front habang patuloy ang panawagan ng militar sa mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA-NDF na sumuko na kasama ang mga armas nito habang may pagkakataon pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter