Mataas na lider ng CTGs at kanyang kasama, nasawi sa operasyon ng militar sa Sarangani

Mataas na lider ng CTGs at kanyang kasama, nasawi sa operasyon ng militar sa Sarangani

NASAWI ang isang mataas na lider ng New People’s Party (NPA) at kasama nito matapos ang isinagawang focused military operations sa Barangay New La Union, Maitum, Sarangani.

Ayon kay Lieutenant Colonel Rey Rico, commander ng 34th Infantry Battalion, kinilala ang nasawi na si Arnold Laugo Amad, alyas Kempee Maguan at alyas Bambam, 2nd Deputy Secretary ng Guerrilla Front Musa ng Far South Mindanao Region at kasamahan nitong si alyas Saysay.

Tumagal ng sampung minuto ang operasyon ng militar sa lugar.

Nakuha nila sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang cal. 45 pistol.

Muling nanawagan ni Major General Roy Galido, commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division sa natitirang kasapi ng NPA na mapayapang sumuko dahil may mga programa at serbisyo ang gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay.

Follow SMNI NEWS in Twitter