Mataas na net score ng AFP, magiging motibasyon para magampanan ang tungkulin

Mataas na net score ng AFP, magiging motibasyon para magampanan ang tungkulin

MANANATILING matatag ang pangako ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na protektahan ang bansa at ang mamamayan.

Ito ay matapos makakuha ng +76 o excellent net score sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Disyembre 2022.

Nabatid na tumaas ito ng 9 points kumpara sa +67 net score noong Disyembre 2021.

Mula sa kabuuang 1,200 adult respondents, nasa 80 percent ang kontento sa performance ng AFP.

Nakakuha ang militar ng +79 sa paglaban sa communist terrorist groups, +76 sa pagsugpo sa local terrorist groups at +62 sa pagtatanggol sa West Philippine Sea at paglaban sa iba pang banta.

Iginiit ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Jorry Baclor na ang mataas nilang rating ay magiging motibasyon nila upang magampanan ang kanilang mandato.

Follow SMNI NEWS in Twitter