Mataas na presyo ng bilihin, dahilan kaya bumagal ang ekonomiya—Batu

Mataas na presyo ng bilihin, dahilan kaya bumagal ang ekonomiya—Batu

DAHILAN kaya bumagal ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay ang naitalang mataas na presyo ng bilihin.

Ito ang binigyang-diin ni Dr. Michael Batu sa programa ng SMNI News bilang bahagi ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong araw.

Sinabi ni Batu, bagaman bumagal ang ekonomiya ay makikita naman ang paglago ng agrikultura.

Kaugnay rito, naniniwala ang ekonomista na may dalawang paraan upang maiwasan ang pagtaas ng inflation rate.

Inaasahan naman ni Batu na bababa ang inflation rate.

Nabatid na ang Pilipinas ang may pinakamataas ng inflation rate sa buong Asya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble