SINUSOLUSYONAN na ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang nakaambang pagtaas pa ng presyo ng ilang gulay sa pamilihan.
Sa isang pahayag, nagbabala si Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista sa publiko na maaaring tumaas ang presyo o maapektuhan ang presyo ng bilihin kasunod ng maulan na panahon sa bansa.
Sa ngayon kasi naglalaro na sa P60 hanggang P100 kada kilo ang talong, mas mataas kung ikukumpara sa P85 noong nakaraang taon kabilang na ang iba pang bilihin.
Ilan sa mga naiisipang solusyon ng DA ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang paraan tulad ng mobilization, paghahanap ng ibang source maging ang pagpalalakas ng mga Kadiwa outlets.
Iilan lamang ito sa mga pinag-aaralan ng DA na mga hakbang upang matulungang mapaginhawa ang buhay ng mga mamimili.