POSIBLENG hanggang isang taon ang itatagal ng mataas na presyo ng itlog.
Ito ang pagtataya ni United Broilers and Raisers Association (UBRA) at Philippine Egg Board Association Chairman Gregorio San Diego.
Aniya, epekto ng malawakang paglaganap ng bird flu sa boung mundo ang pagbaba ng suplay ng itlog kaya tumaas din ang presyo nito sa mga pamilihan.
Kabilang din aniyang naapektuhan ng bird flu ay ang pinagkukunan ng bansa ng parents stock o ang manok na mangingitlog.
Isa rin aniya sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog ay ang nagmahal na patuka.