POSIBLENG bumaba ang presyo ng kamatis sa huling bahagi ng Enero o unang bahagi ng Pebrero, ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa.
Sinabi ni De Mesa na inaasahang babalik sa normal ang presyo dahil magsisimula na ang produksyon ng kamatis pagpasok ng dry season.
Ipinaliwanag din niya na ang sunod-sunod na bagyo noong 2024 ay nagdulot ng malawakang pinsala sa mga pananim, partikular sa Luzon.
Batay sa datos ng DA-bantay presyo noong Enero 4, ang presyo ng kamatis sa Metro Manila ay nasa pagitan ng P200 hanggang P350 per kilo, malayo sa P40 hanggang P100 per kilo na presyo nito sa parehong panahon noong 2024.