RESULTA ng walang sapat na plano mula sa Department of Agriculture (DA) ang mataas na presyo ng sibuyas ngayon sa bansa.
Ayon ito kay Senator Imee Marcos sa naging hybrid hearing ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform nitong Lunes, January 16, 2023.
Binigyang-diin ng senadora na kung napapanahon at tamang projection ng minimal importation ang ginagawa ng DA, hindi sana mangyayari ang shortage ng suplay ng sibuyas.
Naniniwala rin si Sen. Imee na may pagtataksil at manipulasyong nangyayari kaugnay sa sibuyas.
Ipinanawagan na rin ni Sen. Imee na tumigil na rin ang Bureau of Customs (BOC) sa kaka-picture lang ng mga smuggled goods dahil mas magandang may maipakulong na hinggil dito.