Mataas na singil ng energy generation companies, pinuna ni Sen. Tulfo

Mataas na singil ng energy generation companies, pinuna ni Sen. Tulfo

PINUNA ni Sen. Raffy Tulfo ang hindi nagmumura bagkus ay patuloy pa ring umaakyat na presyo ng kuryente sa bansa kahit bumaba na ang presyo ng coal sa lahat ng global price index.

Sa katunayan, kumpara sa ibang bansa sa Asya, ang Pililinas ang isa sa may pinakamataas na presyo ng kuryente kahit na isa lang ang pinagbabasehan ng presyo ng pag-angkat ng coal, ang Indonesian Coal Index at New Castle Index.

Ayon kay Sen. Tulfo nagkaroon na ng isang consultative meeting via zoom ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) para sitahin kung bakit dekada na nilang hinahayaang magpatuloy ang mapang-abusong sistemang ito.

Ani Tulfo, ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga foreign investor ang nag-aalangan magtayo ng kanilang negosyo sa bansa ay dahil sa mahal na singil sa kuryente kaya mas pinipili nilang magpunta sa ibang lugar tulad ng Malaysia at Vietnam kung saan mas mura ang singil ng kuryente doon.

Ani Tulfo, araw-araw, ang malalaking Genco na nagsusuplay ng karamihang kuryente sa Pilipinas ay kumikita ng daan-daang milyon. Kapag isasama pa ang bawat planta nila, kumikita na ang mga ito ng bilyones kada araw!

 

Follow SMNI NEWS in Twitter