Mataas na trust rating ng PNP, iiwanang legasiya ni PNP chief General Acorda

Mataas na trust rating ng PNP, iiwanang legasiya ni PNP chief General Acorda

MASAYA at kumpiyansa si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na iiwanan niyang maayos ang Pambansang Pulisya.

Ayon sa opisyal, ang mataas na trust ratings ng PNP mula sa publiko ang isa sa kaniyang iiwanang legasiya.

Ang pahayag na ito ay kaniyang ibinahagi sa huli nitong testimonial parade sa Baguio City nitong weekend kasabay ng pagpapasalamat sa Philippine Military Academy (PMA) na humubog sa kaniya ng 37 taon bilang miyembro ng unipormadong hanay.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng kaniyang mga nakasama sa trabaho at binilinan ang mga pulis na panatilihin ang kumpiyansa sa kanila ng taumbayan.

Si Acorda ay magreretiro sa serbisyo sa darating na Disyembre 3 bilang ika-29 na pinuno ng PNP.

Follow SMNI NEWS on Twitter