Matagumpay na operasyon vs illegal drugs, krimen, ipinagmalaki ng PNP

Matagumpay na operasyon vs illegal drugs, krimen, ipinagmalaki ng PNP

IBINAHAGI ng Philippine National Police (PNP) ang napagtagumpayan ng ahensya sa kanilang mga operasyon laban sa iligal na droga at iba pang mga kriminalidad ngayong buwan.

Batay sa real number ng PNP, pumalo sa 1,952 katao ang kanilang naaresto dahil sa iligal na droga mula Setyembre 1-17, 2022.

Mahigit P625-M naman ang halaga ng mga nakumpiskang droga mula sa 1,790 nilang operasyon.

Ayon pa sa PNP, mahigit P4.3-M halaga ang nakumpiskang cash/articles sa 4,708 operasyon nila laban sa illegal gambling.

Nasa 3,142 wanted person naman ang naaresto at 140 ang naaresto dahil sa child abuse sa kaparehong panahon.

Isang kidnap for ransom incident naman ang naresolba ng PNP at 10 suspek ang naaresto habang 896 loose firearms naman ang nakumpiska.

Nagpapasalamat naman ang buong kapulisan sa tulong ng publiko at iba pang ahensya ng gobyerno upang sugpuin ang kriminalidad sa bansa tungo sa pangarap na kaunlaran.

 

Follow SMNI News on Twitter