Matagumpay na pagtalakay sa ABS-CBN franchise, bawas pasanin sa Kamara —Cayetano

Matagumpay na pagtalakay sa ABS-CBN franchise, bawas pasanin sa Kamara —Cayetano

WoodProfit

NAKAGAAN sa trabaho ng mga mambabatas sa Kamara ang matagumpay na pagtalakay sa ABS-CBN franchise.

 

Matatandaan na 12 pagdinig ang ginugol ng House Committee on Legislative Franchises o katumbas ng mahigit isandaang oras na pagtalakay sa mga probable violations ng kompanya.

 

Sa isang pahayag, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magiging buo na ang panahon na kanilang maibibigay sa paghimay sa COVID-19 response bills dahil maaga nilang natapos ang ABS-CBN franchise.

 

“After the successful deliberation of ABS-CBN Corporation’s application for franchise renewal, the 18th Congress is now, more than ever, empowered and driven to work on essential legislation that will further address the negative impact of COVID-19,” pahayag ni Cayetano.

 

Matatandaan na bago sumapit ang buwan ng Agosto ang target na binigay ni Cayetano para madesisyunan ang kapalaran ng Kapamilya Network.

gamebank

 

Samantala, muli namang nanindigan ang lider ng Kamara na tama ang pagbasura sa franchise application ng Kapamilya Network.

 

Sa statement nito sa kaniyang official Facebook page, giit ni Cayetano na ang malinaw na pagbaluktot sa batas ang naging dahilan kung bakit hindi pinagbigyanan ang hirit na franchise application ng ABS-CBN.

 

Giit din ni Cayetano, malinaw na may paglabag ang ABS-CBN sa tax laws at election laws at ginamit sa sariling interes.

 

“Ang main issue kasi dito for most of the congressmen is really how ABS-CBN flouted the law, went around tax laws, election laws, and how they used ABS to protect their business. ‘Yan ang issue d’yan and its only history that will be able to judge,” ayon pa kay Cayetano.

 

Samantala sa isang panayam, giit ni Cayetano na posible pang matalakay sa plenaryo ang naibasurang franchise application ng ABS-CBN.

 

Ito ay matapos sumulat si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate kay Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez para hilingin na isumite at pa-aprubahan plenaryo ang Committee TWG Report at ang adopted committee resolution.

 

Giit ni Zarate na karapatan ng lahat ng miyembro na magsalita at bumuto sa usapin ng franchise application ng ABS-CBN.

 

Ayon kay Cayetano, posible yung opsyon na hinihingi ni Zarate pero hindi ito ang regular procedure.

 

Punto ni Cayetano na kapag ni-reject sa committee level ang isang panukala, hindi na ito aakyat pa sa plenary.

 

Pero mayroong twist dahil ani Cayetano, sa ilalim ng constitution, hawak lang ng plenaryo ang kapangyarihan sa paggawa ng batas kaya depende ito kung paano magdedesisyon ang Kamara.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.