SA tulong ng OFW Party-list, matagumpay na nakaalis ng bansa ang isang 7-taong gulang na lalaki patungong United Arab Emirates (UAE), matapos na dalawang beses itong na-offload.
Ang naturang minor ay isang resident visa holder sa UAE at ayon sa Immigration, maaari itong magbiyahe kahit mag-isa, bagay na ipinagtataka ng kaniyang ina na overseas Filipino worker (OFW) sa Dubai.
Sa post ng ina ng minor na si Bhing Vales, una nang na-offload ang anak niya na minor kasama ang kamag-anak nito na nakatatanda sa Immigration, ikalawa ay muli na naman itong na offload ng isang airline kasama naman ng nagmamagandang-loob na netizen.
Nitong Biyernes, sinamahan ng OFW Party-list ang minor na kasama ng mga kapatid para ihatid sa airport ang bata at nakaalis na mag-isa patungong UAE.
Una na ring humingi ng tulong ang ina ng minor sa OFW Party-list para tulungang makalipad mag-isa patungong Abu Dhabi ang bata.