Matataas na opisyal ng PNP, sangkot sa nahuling 990 kilo ng shabu noong 2022

Matataas na opisyal ng PNP, sangkot sa nahuling 990 kilo ng shabu noong 2022

HINDI lang isa kundi marami pang matataas na opisyal ng Phillippine National Police (PNP) ang diumano’y sangkot sa halos 1,000 kilo ng shabu sa Tondo, Maynila noong 2022.

Ito ang isiniwalat na impormasyon ni Interior Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa press conference araw ng Miyerkules April 5, 2023.

Ayon kay Abalos, naniniwala siya na hindi lang si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. ang sangkot sa nasabing iligal na droga kundi marami pang kasabwat.

Matatandaang nasibak sa serbisyo si dating PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. dahil sa pagkakasangkot sa nasabing malaking halaga ng iligal na droga.

Babala ngayon ng opisyal, hindi niya titigilan ang kaso hangga’t hindi nahuhuli ang mga pulis na kasama sa iligal na aktibidad.

Sa ngayon, bigo pang pinangalanan ni Abalos ang mga police officials na tinutukoy nitong sangkot sa distribusyon at pagbebenta ng iligal na droga sa bansa.

Agad na ipa-rirebyu ni Abalos sa 5-man advisory group ang mga pangalan ng diumano’y high ranking police officers na sangkot sa P6.7-B na halaga ng shabu na nasabat noong 2022.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter