MULING kinilala ang matatag na alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Nag-courtesy call si US Marine Corps Commandant General David Berger sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Mainit siyang sinalubong ni AFP deputy chief of staff Vice Admiral Rommel Anthony Reyes sa AFP General Headquarters, Camp Aguinaldo, Quezon City.
Sa pulong ng dalawang opisyal, kinilala nila ang matatag na alyansa at relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
Partikular na sa pagtugon sa iba’t ibang pagsubok sa maritime defense security sa rehiyon at pagpalalakas sa military interoperability ng dalawang bansa.
Ipinaabot din nila ang pasasalamat sa patuloy na pagtutulungan at suporta sa maritime exercises and training activities tulad ng Balikatan at Kamandag Exercises bilang bahagi ng bilateral activities ng Pilipinas at Amerika.