MAS matatag na climate action at assistance.
Ito ang target na isusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ngayong dumalo ang bansa sa United Nations Climate Change Conference (COP27) Summit sa Egypt.
Ayon sa ahensya, isa sila sa sisingil mula sa mayayamang mga bansa hinggil sa mga hakbang ng mga ito para sa kalikasan lalo pa’t ito ang may malaking ambag sa climate change.
Ang COP27 ay sinimulan mula November 6 – 18, 2022 at ang Philippine delegation ay pinangunahan ni DENR Sec. Maria Antonia Yulo Loyzaga.