Math and science high school sa bawat probinsiya, isinusulong ni Gatchalian

Math and science high school sa bawat probinsiya, isinusulong ni Gatchalian

UPANG matiyak ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) professionals sa bansa, binigyang-diin ni Sen. Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pampublikong math and science high school sa lahat ng probinsiya sa bansa.

Sa inauguration ceremony at blessing ng bagong Eastern Visayas Regional Science High School campus sa Catbalogan City, Samar kamakailan, sinabi ng senador na mahalaga ang papel ng agham at matematika sa pagsulong ng inobasyon sa ating bansa.

Mahalaga rin aniya na tiyakin na bawat public math and science high school sa bansa ay may sapat na mga kagamitan at pasilidad para sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon.

Sa ilalim ng 19th Congress, inihain ni Gatchalian ang Equitable Access to Math and Science Education Act (Senate Bill No. 476), mandatoryo sa bawat probinsiya ang pagkakaroon ng pampublikong math at science high school.

Magpapatupad ang mga paaralang ito ng six-year integrated junior-senior high school curriculum na nakatutok sa mga advanced na subject sa science, mathematics, at technology sa ilalim ng paggabay ng Department of Education (DepEd) at Department of Science and Technology (DOST).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble