Matteo Guidicelli at Sarah G, nagtayo ng sariling production company

Matteo Guidicelli at Sarah G, nagtayo ng sariling production company

MASAYANG ibinalita ng mag-asawang Matteo Gudicelli at Sarah Geronimo ang pagtatayo nila ng isang production company.

Sa isang interview, ibinahagi ng mag-asawa na nagsimula ang ideyang ito sa isang biro sa kasagsagan ng pandemic.

Ngunit kalaunan ay napagdesisyunan ng dalawa na ituloy ang nasabing plano.

Dagdag pa ni Sarah, layunin ng kanilang production company na ma-enhance pa ang mga talento ng mga artist dito sa Pilipinas.

Dahil aniya, may mai-i-o-offer pa ang mga artist ngunit kulang lang ang mga ito ng konting ‘push’.

Inaasahang matatapos sa huling quarter ng Hulyo ang pagpatatayo ng kanilang headquarters na itatayo sa Alabang, Muntinlupa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter