PARARANGALAN ng kauna-unahang Motorsport Carnivale ang ilang local celebrity sa bansa.
Kabilang sa mga ito ang singer-actor na si Matteo Guidicelli, actor-turned politician Richard Gomez at Fil-Am racing driver na si Michele Marie Bumgarner.
Ito’y bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa motorsport sa bansa.
Pinangunahan ng actor–racing driver at Parañaque City Councilor Jomari Yllana ang event na layong ibalik ang ‘glory days’ ng motorsports sa bansa.
Matatandaan na mula noong 1973 hanggang 1976 ay sumikat ang serye ng aktibidad sa isinagawang Philippine Grand Prix sa Manila.
Nitong Agosto 2, ang simula ng limang araw na Motorsport Carnivale 2023.