Mga matututunan sa panibagong joint exercises ng PH at US, gagamitin vs. local communist insurgency

Mga matututunan sa panibagong joint exercises ng PH at US, gagamitin vs. local communist insurgency

GAGAMITIN ng bansa laban sa communist insurgency ang lahat ng mga matutunan sa panibagong sabayang pagsasanay ng mga kasundaluhan ng Pilipinas at Amerika.

Umarangkada na kamakailan ang 20 araw na joint military exercises ng bansa at Estados Unidos.

Pangunahing layunin nito ang palakasin ang kasanayan ng bawat tropa na magagamit sa pagtiyak ng seguridad ng dalawang bansa.

Nagsimula ang pagsasanay noong Marso 5 na binansagang Salaknib Exercise sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija – ang headquarters ng 7th Infantry Division ng Philippine Army.

Ang Salaknib ay salitang Ilokano na ibig sabihin ay shield o kalasag.

Noong pang 2015 nagsimula ang Saklanib exercise na bahagi ng mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika.

Iba’t ibang pagsasanay ang lalahukan ng mga sundalo ng dalawang bansa na makatutulong sa kampanya sa paglaban sa terorismo.

Ayon kay 7th ID Commander Major General Andrew Castelo, magagamit nila ang kanilang matututunan sa pagsasanay sa paglaban sa terorismo kabilang na ang local communist insurgency.

“We are committed to the success of this year’s Exercise as we will strengthen our counter-terrorism expertise to address all forms of threat including the local communist insurgency,” wika ni  Castelo.

Magtatapos na ang Salaknib Exercise sa Marso 24.

 

Follow SMNI News on Twitter