Maximum tolerance, bigong naipatupad ng PNP, matapos na-trauma ang ilang miyembro ng KOJC sa paglusob sa ilang compound nito sa Davao City

Maximum tolerance, bigong naipatupad ng PNP, matapos na-trauma ang ilang miyembro ng KOJC sa paglusob sa ilang compound nito sa Davao City

TILA taliwas sa mga pahayag ng Philippine National Police (PNP) ang tinuran ng daan-daang police personnel at elite force nito mula sa Region 10, Region 11 at Region 12 nang una nang tangkain ng ilang miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) ang pagpasok sa isa sa mga gate ng KOJC compound gamit ang hagdanan alas tres ng madaling araw ng Lunes Hunyo 10, 2024.

At sa mga oras na iyon, ay wala pang natatanggap na pormal na papel o mismong warrant mula sa mga awtoridad ang mga taga-KOJC para pahintulutan ang operasyon ng pulis sa loob ng KOJC compound.

Bagay na hindi pumayag ang mga miyembro ng KOJC na makapasok ang mga ito nang walang ipinapakitang katibayan ng kanilang operasyon.

Isang aroganteng kilos ang ipinakita ng mga tauhan ng PNP nang ransakin naman nito ang isa sa mga pader na yero ng Glory Mountain na isa sa mga compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Brgy. Tamayong, Calinan, Davao City.

Bukod sa mga sinirang pag-aari, mayroon ding pinosasan at mga nasaktang miyembro ng Kingdom habang nagpupumilit ang mga pulis na makapasok sa lugar.

Ayon sa isa sa mga katiwala sa lugar, maging ang mga bata ay na-trauma sa mga pangyayari.

Ang nasabing aksiyon na PNP ay agad na kinuwestiyon ng legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ Atty. Israelito Torreon at sinabing dapat na sumunod ang PNP sa rules bago nila isagawa ang nais nila sa mga lugar na subject o target ng warrants.

“Ilang beses na silang pumasok rito, pinayagan naman natin sila. Sa bilang ko nga mga pang tatlo o pang apat na yata ito na pasok nila dito, pinapasok naman natin sila. So, doon po sa tingin ko foul at simultaneous service dito sa central dumeretso sila akyat akyat parang Swat Team sila.”

“Sa mga pulis naman, mga sir, baka pwede we will just stick to the rules. ‘Yung rules naman natin in so far as to the service of search warrants and warrant of arrest are very clear, dapat mag stick lang tayo,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.

Naniniwala naman si Atty. Torreon na may panahon na mananaig din ang katotohanan at malalasap din ng mga inaapi ang katarungan.

Samantala, aminado naman ang PNP na maari namang isilbi ang isang warrant of arrest o search warrant sa isang indibidwal sa mahinahon at maayos na paraan.

Giit ni PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, dapat maipatupad lamang ang maayos na koordinasyon ng pulis sa mga lugar na target ng warrant para maiwasan ang anumang sakitan o tensiyon.

Follow SMNI NEWS on Twitter